Saturday, December 25, 2010

MuDRa

Ikaw ang tunay na sumisimbolo sa kadakilaan,
Ikaw ang aming lakas at pinaghuhugutan ng katatagan,
Tunay kang bayani sa aming puso at isipan,
Maraming salamat po sa pagbibigay ng liwanag sa ating tahanan.

Maligayang kaarawan sayo Mahal kong Ina.. ang tanda mo na! hehehe..

Mahal na mahal ka namin! I love you!

Maligayang kaarawan din po Papa Jesus!

Merry Christmas everyone! :)

Monday, December 13, 2010

BoRn to BE Dancer!


Salamat sa buhat Nafa at kinaya mo ko... hehehe... Walang magawa! Halata!

Walang maiposte! Mas Halata!

Ang gwapo ko! Halatang halata!

:)

Tuesday, November 30, 2010

HOT na HOT

Nang una kitang makita ay nagiisa ka lamang at walang ibang kasama. Nakasakay sa mumunting bisikleta at tanging ang halimuyak mo ang siyang nagiging sandata laban sa iba. Natatakot akong lapitan ka dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili, napaka-hot kasi ng dating mo at parang ang sarap sarap mo pa. Subalit kailangan kong tiisin ang aking nararamdaman. Hindi ako dapat magpatalo sa pagkahayok ng aking lalamunan.

Sa isip isip ko lamang ay masasayang lamang ang aking paghahanda sa nalalapit na okasyon kung ikaw ay aking papatulan. Buti na lamang at nasa matinong pagiisip ako ng mga panahong iyon, paano na lamang kung ako ay nakainom at lasing? panigurado kong hindi ko makokontrol ang aking sarili.

Subalit tila tinutukso ako ng pagkakataon. Makalipas lamang ang ilang araw ay muli na naman akong nadaan sa iyong kinalulugaran. Iba na ang sitwasyon sa ngayun. Marami na kayong magkakasama at tila nakahilera na parang may inaabangan gyera ang bawat isa. Magkakaiba ang inyong diskarte. May isa na ang ibinibida ay ang kanyang kakaibang katas at lasa. Mayroon namang ang pakulo ay tipong uulit ulitin mo pa. Pero nananatiling ikaw ang kakaiba, ang iyong postura, halimuyak at mapang-akit na init ang siyang namumukod tangi sa aking panlasa. At bigla na lamang may kung anong bagay ang syang naglaro sa aking isipan.. May kung sinong parang bumubulong sa akin at sinasabing masarap ka at HOT na HOT. Dali dali akong tumingin sa aking likuran subalit wala naman, Bigla akong tumingin sa aking kanan subalit wala pa din... Nanlalamaig ako.. Kinakabahan.. dug dug.. dug dug... dug dug.. mabilis na tibok ng aking puso. Sino sya??? Tanong ko sa sarili ko.. Pero di ko na lang pinansin dahil di naman tungkol dun ang kwento ko. Mabalik ako sa istorya ng aking buhay.

Naexcite ako. Ang aking mga labi ay tila nanuyot at parang gustong sabihin na eto na ako at handang isakripisyo ang aking kalusugan para lamang matikman ka. Aaaahhhh... Aaaaahhhh... Ang Sarap mo... Ang sarap mo..... Ito ang mga katagang lumalabas sa aking bibig..

Handa na kitang kainin, handa ko ng higupin ang mainit mong sabaw. Mami, akin ka ng titikman. Aw

Thursday, November 18, 2010

BASAGAN ng TRIP


Litrato dampot dito!

Ano pa bang pwede kong sabihin sa DOT? tsk tsk... sila na ang usap usapan sa buong bansa.. Kabi kabila na ang natatanggap nilang batikos sa iba't ibang sektor ng pamahalaan. Napakalupit naman kasi ng nakaisip ng "Pilipinas kay Ganda".. parang variety show lang ang labanan.. At hindi lang yan, tingnan nyo yung logo, ginaya pa... haaayyy.. kahiya much!

********************
Kahapon magkasama kami ng FW ko.. nagkakapikunan na kami dahil sa asaran.. kaya naman bumanat ako ng isang napaka lupit na joke..

MD: NAknak
FW: husDer?
MD: AKo KUne...
FW: haaaayyy..wala bang bago? alam ko na yan.. tsk tsk.. Ang corny mo talaga...
ako na nga lang..

MD: Ok.. ang angas mo talaga...

FW: nakNak
MD: husDer?
FW: EPAL..
MD: EPAL hu?
FW: U... hahahahaha( tawang nakakainis)

walangya talaga.. lakas mambasag.. Ganyan sya ka-sweet.

Wednesday, November 10, 2010

NOSTALGIA

1
2
3
4
5
6
7
8
...................... 50!

Eto na...
Eto na...
Etooo naaaaaaaaa...
wwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!

Limampung araw na lamang at ang driver ay magkakaroon na ng sariling sidecar! (mula ng kanyang kabataan ay hindi pa siya nakararanas na magka-sidecar). Magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman.

Limampung araw na lamang at kakaharapin na ng Driver ang magsisilbing isa sa pinakamalaking hamon ng kanyang buhay. Kinakailangan nyang pangalagaan ang sidecar at ang mga nakasakay dito.

Limampung araw na lamang at mababawasan na ang oras ng driver sa ibat ibang mga pinagkakalibangan nung sya ay wala pang sidekar sapagkat ang oras nya ay matutuon na sa pagaayos ng kanyang sariling pyesa.

Limampung araw na lamang at hindi na SINGLE ang DRIVER!


Nota: Wag na kayong magtanong kung bakit Nostalgia ang titulo ng posteng ito. Wala syang kinalaman dito, nakita ko lamang yan sa t-shirt nung mama kaninang umaga. Yun lang yun ok! :)

Thursday, November 4, 2010

Isang minuto lang! Solve na ako!

Ikaw ba ay nakaaangat sa buhay at nais na makapagbigay kulay sa kinabukasan ng mga batang mag-aaral?

Ikaw ba ay may sapat na kalinangan para maging inspirasyon sa mga kabataang nangangailangan?

O ikaw ba ay naging simbolo na ng tunay na kadakilaan?

Kung OO man oh Hinde ang Sagot nyo! Please, basahin nyo to. :)



Ang "Isang minutong smile" ay isang magandang daan,
Para mabigyang katuparan ang hiling ng mga estudyanteng nangangailangan,
Hindi naman siguro mabigat kung magbabahagi tayo ng kahit na ano lamang,
Na maaaring makapagbigay kulay at Ngiti para pansamantalang maibsan ang kanilang kalungkutan.

Nang malaman ko ang adbokasyang ito ay hindi na nagdalawang isip pa,
Nagmadali ako at inalam kung paano makatutulong sa kanila,
Dahil noon pa man ay ninais ko ng makapagbigay ng kahit na kaunting ligaya,
Sa mga mag-aaral na kapos at nangangailangan ng sapat na suporta.

Wala man akong labis na yaman para makapagpaaral ng ilan sa kanila,
Oh makapagbigay uniporme at mga maaaring gamit pang-eskwela,
Pero alam ko sa sarili ko na maaaring makatulong ang simpleng likhang ito,
Para maging inspirasyon at basehan ng mga taong gustong maging mabuting ehemplo.

Hinihiling namin ang inyong pakikiisa,
At sana'y maging bahagi kayo ng isang dakilang adbokasya,
Makapagbigay ng karampatang ngiti at ligaya sa darating na pasko,
At maging magandang halimbawa sa pagiging isang mabuting Pilipino.


Sa December 8 na ang Smile Day. Ang tangi naming nais ay makapagbigay ngiti sa mga piling mag-aaral sa pamamagitan ng "Isang minutong Smile"Advocacy sa pamumuno ng mga batikang manunulat.

Kung nais nyong magbigay ng tulong pinansyal, o donasyong gamit pang-eskwela, dito nyo lang po sila puntahan isangminutongsmile@yahoo.com.

Maraming salamat po!

Friday, October 29, 2010

KASEB



First of all.... (yown, ako na umi-english)! There are too many things, wag na nga lang parang di naman bagay.

Eto lang naman gusto kong sabihin, pinapahaba ko pa.

Shet! Namiss ko toh. Namiss ko ang mga tao sa makamundong blogospero.

Matagal tagal din akong nawala sa sirkulasyon. Mayroon kasing isang pangyayari na hindi ko inaasahan na siyang magiging dahilan para mawalan ako ng ganang mag-sulat (feeling writer ang drama ng driver). Pero nakausad na ko, everything's happen for a reason ika nga, mahirap ipilit ang isang bagay kung hindi naman tama, mas marami ang masasaktan at higit sa lahat, baka magdugo pag pinipilit di ba? Sabi nga nila, ang importante ay yung matuto ka. Pag ikaw ay nadapa, matuto kang tumunganga, yung parang walang nangyari, you know! para nadin di ka pagtawanan, basta tandaan mo lang kung san yung sitwasyon na ikaw ay nadapa para di na muling maulit pa. In my part, alam ko nadun naman yung learning, coz there's a relatively permanent change in my behaviour after what happened. Yun na yun eh. Pag hindi ukol, for sure iba ang bubukol. hehe

Osha osha.. humahaba na tong pasakalye ko.. Ang mahalaga nadito na kong muli, kahit pa walang mga kwenta yung mga sinusulat ko, atleast nadyan naman kayo diba para magtyaga sa walang kwenta.. hehe, kaya naman para sa mga kablog, kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, ka-Q, Kabisyo, katropa, ka-clan, ka-fb (fubu), ka-eyebol (SEB), ka-twitter (follow me IamMidnytDriver), ka-fs (freestyle), kabanda, kagrupo (MD&Co), kaklase, katorse, kalabaw, kapitan, kapitolyo at sa kalaro ng apoy...

TY! :)

Sunday, October 17, 2010

Sample lang!



Eto ang dahilan kung bakit hindi nakakapasyal ang Driver nitong mga nakakaraan araw/linggo/buwan!

Masyadong busy sa pictorial. Artista ako remember? :)

Friday, October 8, 2010

EFFORTLESS

At dahil sa sobrang busy ko sa mga panahong ito, wala na kong oras pa para sa mga malikhaing poste at akda. Kaya naman anisipan ko na lang magsulat ng hindi ginagamitan ng effort. :-)
Its time for appreciation baby! this is for you! :)

Ang pagiging talentado ang iyong puhunan,
At pagkakaroon ng nunal ang iyong sandigan,
Kaya't ikaw parin ang nanguna sa list na ito,
Dahil ikaw ang nagturo sa akin sa mundo ng blogospero.

Alam ko, alam ko, panalo ka sa kalokohan,
Alam ko, alam ko, kilabot ka ng kababaihan,
Pero hindi dahil sa pagiging babaero kaya ka nadito,
Kundi dahil ikaw ang kaibigan kong maaasahan hanggang sa dulo.

Pagdating sa teknolohiya, sa amin ikaw ang nangunguna,
Pagdating sa simpleng diskarte, shet.. ikaw parin ang nangunguna?
Mahirap man paniwalaan, ngunit iyon ang katotohanan,
Na kakaunti lamang sa iyong kaibigan ang siyang tunay na nakakaalam.

Dumudugo man ang ilong ko, kakabasa ng entry mo.
Pumapalipit man ang dila ko, sa mga slang na english mo,
Natutuwa padin akong basahin ang mga post mo,
Hindi dahil sa topic mo, kundi dahil sa iyo. yown! haha

May alam ako sa iyo na isang sikreto,
Kilala ko kung sino ang Boyfriend mo sa blogospero,
Handa ka na bang ilantad ko ito sa mga tao,
Na ang karelasyon ay walang iba kundi si Ano. haha

Hanga ako sa katatagan ng iyong pagkatao,
Hanga ako sa determinasyon at pagkamakaprinsipyo mo,
Ikaw ang dapat na bigyan ng isang patimpalak,
Isang babae na nangangarap at shet hanep kung humalakhak. :)

Nagtiwala ka sa akin kahit nung una pa lamang,
Pinalakas ang loob ko para makipagsabayan,
Tinuring akong kaibigan kahit wala pang kinalaman,
Sa mundong ginagalawan na aking sinubukang pasukan.

Mayroon man tayong mga hindi pinagkakaunawaan,
Mayroon mang mga pagsubok na sa atin ay humaharang,
Ikaw ay mananatili sa puso ko at isipan,
At magsisilbing inspirasyon bilang tunay na kaibigan.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin,
Dito sa babaeng sa PEBA entry ko ay nag-Plugging,
Hindi ko pa sya lubos na kakilala,
Pero ako ay humahanga at naiinspire sa mga naisusulat nya.

Mga kilabot ng kalalakihan,
Mga pinapantasya ng sangkatauhan,
Mga babaeng nagsisimbolo ng kagandahan,
Mga babaeng parang gusto kong diskartehan. hahaha.. joke

MB at MP
Ang isa ay aking kababayan na puno ng kalokohan.
Ang isa naman ay di ko kababayan pero puno rin ng kalokohan,
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa dalawang toh,
Pero sinisigurado kong kaibigan ang turing ko sa inyo.

Mga bayani ng bagong henerasyon,
Mga simbolo ng katatagan at tunay na kadakilaan,
Kayo ang mga OFW na aking hinahangan,
Sinasaluduhan at yung isang girl ay pinagpapantasyahan. wahahaha

Mga idol ko sa mundo ng blogospero,
Mga hanep kung magsulat, siguradong mga babaero
Pero seryoso, hanga ako sa mga toh,
Ang tataba ng kautakan, panalo sa mga paliwanagan.


Huli man daw at magaling, ikaw ay nasa dulo padin. wahahaha

Langya, bat pagdating sayo nahihirapan ako?
Bat pagdating sayo di ko alam kung ano isusulat ko?
Anak ng.., di ko kasi alam kung kakasya ang page nato,
Sa mga pwede kong sabihin para sa isang taong katulad mo. :)

naks... haha

Tuesday, October 5, 2010

All in ONE

Gusto ko ng gatas!

Gusto ko ng prutas gaya ng pakwan, papaya, melon at kundol.

Mahilig akong maglaro sa sampayan ng kapitbahay.

Mahilig akong magbasketbol, volleyball at minsan bowling.

Pero hate na hate ko ang nalulunod at tipong hindi makahinga.

Lahat ng ito ay natagpuan ko dito.

Wednesday, September 29, 2010

UNTOLD STORY

UNTOLD STORY

..........................................................................................................................................................................................................
......................................................................................................................................................................................................


Manatili na lang syang Untold habambuhay!


PakShet! I need a break!

MD: Pare
NAfa: Yo
MD: anong balita?
NAfA: Sa radyo at TV...
MD: Ganun pa rin nangangapa sa dilim..
Nafa: Sana'y naisin mong umalis na lang dito.
MD: Gungung ka!

Langyang usapan yan.. lagi na lang ganyan!

Sino pwedeng makainuman jan? Tara!

Mukhang kailangan ko na ulit magpunta dito!

Paalala:

Tangna.. wala akong maalalang paalala!

Friday, September 24, 2010

SINO DAW?

From Left to right (Daddy Kuri, Enteng, Nafa, MD)

Nang magkita kita ang mga walang kwentang blogger, naisipan naming magpakuha ng picture para lamang masagot ang katanungang gumugulo sa aming mga isipan.

Tanong: Sino ang pinakagwapo sa aming apat?

MGA kasagutan:

Kung kagandahang lalaki lang din ang paguusapan,
Kailanman ay di papahuli ang may nunal jan,
Bukod sa matangkad, at may mapang-akit na katawan,
Tanging ako lamang ang may sapat na karanasan.

Sa tindig pa lang, wala na kayong panlaban,
Hapis na katawan, dinaig pa si SuperMan,
Kulay pa ng buhok, tingnan nyo't inyong pagmasdan,
Pati ang ngiti kong makatunaw kalamnan.

Di naman ako magi-stripe kung wala lang,
Di naman ako magba-brown ng walang dahilan,
Ang salitang kagwapuhan ay para sakin lamang,
Iyon ay naimbento ng ako ay isilang.

Katagang kagwapuhan ay parang di bagay,
Sa mga itsura ninyong parang lantang gulay,
Dahil sa ako ang may akda at akin itong blog,
Hindi ako papayag na ako'y inyong matibag.

Singkit pa ang mata ko sa puntong ito,
Dahil sa isdang bilasa na nakahahawang sakit ko,
pero tingnan nyo kung sino ang gwapo,
Bulag lang ang magsasabing nasa kanilang tatlo.


Nota: Nilikha ko ang posteng ito habang kumakain ako ng pinya.
Napagisip-isip ko lamang.
Ang pinya pala ay nakakapagpalakas. Kaydali ko kasing nabuhat ang napakabigat kong bangko. :)

Monday, September 20, 2010

ISDANG BILASA

May mga puting nakapaligid na tila namumuong gatas sa aking mga mata...
May magalas na parte na parang may mga maliliit na buhangin akong nadarama...
May kung anong hapdi at kirot na sa damdamin ko ay pumupukaw...
May tila masakit na alaalang syang nagiging dahilan sa malimit na pag-agos ng aking luha...

Ito ang mga eksenang gumising sa akin kaninang umaga. Mga eksenang nakapag-palamig sa aking pakiramdam.

Hindi pa man din ako tuluyang nakakawala sa bangungot na dulot ng sakit na BABOY SA. Muli na naman akong sinalubong ng panibagong karamdaman na siyang maaaring maging dahilan para ako ay muling pandirihan. Isang sakit na gaya ng baboysa ay makukuha mo lamang daw kapag kulang ka sa paligo dahilan upang maginit ang iyong katawan. Isa itong viral na sakit na kung saan ay maaari kang makahawa ng di mo sinasadya. Ito ay napapanahong karamdaman.

Nag-isip ako ng kung ano anong paraan para maagapan ang lahat. Nilapatan ko ng yelo ang paligid ng aking mga mata ngunit sumakit lamang sya. Buti na lamang at biglang pumasok sa aking isipan ang isang kaibigan na minsan ng nagpayo sa akin kung ano ang mabisang panlunas dito, napangiti ako at tila nakaramdam ng kaunting kasiyahan, dali dali akong naghanap ng nasabing panggamot. Iyon ang kabilin bilinan nya sa akin. Sinubukan ko ang mabisang panlunas na kanyang nabanggit ngunit nakalipas na ang ilang oras magpasahanggang ngayun ay wala paring nangyayari. Bagkus ang hapdi ay tila lalo pang lumalala. Ako ba ay pinaasa lamang nya? Akala ko pa naman ay tunay syang kaibigan. Nakakalungkot isipin subalit pakiramdam ko ay huli na ang lahat. Bihag na ako ng isang panaginip na sana ay madalian akong magising.

Hindi lahat ng namumula ay nasundot ng daliri... (Ang iba rito ay mas malaki ang nakasundot)
Pero karaniwan sa nasusundot ay nagdurugo... Anong sense? wala! Gusto ko lang sabihin.

PAALALA: Ang gamot na sinasabing mabisang panlunas ay IHI ng ASO! Ito ang syang naaalala kong nabanggit sa akin nung kaklase ko nung Grade 3.

Paraan ng Paggamot!

1. Kumuha ng Aso. Siguraduhing ang aso ay nasa mabuting kundisyon.
2. Kumuha ng supot (mas maganda yung plastik ng yelo or ice candy) at duon ay paihiin ang ASO. Siguraduhing walang masasamang dumi nya.
3. Itali ang supot at butasan ng maliit sabay ipatak sa bilasang mata. Ulitin ng tatlong beses.
4. Itago sa ref ang matitirang ihi. mas maganda kung sa freezer para magyelo.

Ayon sa kanya, makalipas lamang ang ilang minuto ay ramdam mo na ang epekto nito.

NOTA: Ang gamot na aking nabanggit ay kathang isip ko lamang, wag sanang gayahin ninuman pero wala namang masama kung inyo ding susubukan.

Wednesday, September 15, 2010

BAYAN ni JUAN

"Kahit pa nasang sulok ka man ng universe, distance will never be an issue anymore. Infact, mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama, dahil sa pamamagitan ng komunikasyon, ang tiwala ng bawat isa ay hindi mawawala bagkus ito ay mas iigting pa."

INSPIRASYON

Mas minabuti ninyong paglingkuran at pagsilbihan ang ibayong dagat,
Tiniis ang matinding lungkot, hirap at pagkalumbay para sa ikabubuti ng lahat,
Handang isakripisyo at isantabi ang pansariling kaligayahan,
Handang ibuwis ang buhay di lamang sa pamilya kundi para din sa sariling bayang sinilangan.

Umalis kayo sa ating bayan, bitbit lamang ang isang mumunting sisidlan,
Na may kaagapay na pangarap at tapang upang harapin ang bagong kabanatang nagaabang,
Walang sinumang nakakaalam, kung ano ang maaaring kahinatnan,
Ng inyong pakikipagsapalaran at pakikisalamuha sa bayan ng mga dayuhan.

Kayo ang aming mga bagong bayani sa makabagong henerasyon,
Kayo ang dahilan kung bat marami sa amin ang namumuhay na may ngiti at bagong pag-asa na syang nagiging inspirasyon,
Kayo ang simbolo ng tunay na kadakilaan, katatagan at pagka-maka Pilipino,
Kayo ang syang bayani ng inyong pamilya, ating Inang bayan at maging ng buong mundo.

Higit pa sa salapi at kaginhawahan ang inyong naibibigay,
Higit pa sa pagtaas ng ekonomiya at naggagandahang bahay ang inyong nabigyang buhay,
Kaya naman ang tangi naming nais ay kayo ay mabigyang pugay,
Kilalanin ang katatagan at sakripisyong inyong inaalay.

Sa tahanan naguumpisa ang tunay na katatagan ng Bayan,
Sa Pamilya nagmumula ang inspirasyon ng mga nakikipagsapalaran,
Milya milya man ang layo at ilang bagyo man ang inyong pagdaanan,
Alam ko sa sarili ko, iba ang tatag ng bawat Pilipino saan mang sulok ng Mundo!

Ang posteng ito ay hinugot ko lamang dito. :-)

Wednesday, September 8, 2010

10.9.8.7.6.5.4.3.2.1 Hate List w/ Motto

Bilang pagtupad sa naipangakong pagsagot sa ginawang pag-tagged sa akin ni Rainbow bux, at dahil sa nauuso na lang din ang tag tag na yan, eto ang aking sampung kaugaliang gustong maalis sa aking pagkatao (jokkkkkkkeeeeeeee... yung iba lang pala ang gusto kong maalis dito) lolz.

10. Matatakutin- Takot ako sa dilim at ayaw kong nanonood ng mga Horror movies lalo na't babae ang kasama.. Natatakot kasi ako sa maaari nyang gawin!
Motto: Di bale ng takot sa dilim! Di naman nagpapaC#$%%pa sa Bading!

9. Gasgasero- Langya, gasgas na gasgas sa akin ang bulsa ko kapag may atik ako! one time big time ika nga. Kaya yun, pag nangailangan, wala ng madukutan.
Motto: Aanhin mo pa ang Pera mo, kung wala ka namang chix na gagastusan nito.

8. Kaskasero- Masyado akong mabilis magmaneho, kaya naman nakaranas na ko ng aksidente sa motor. Pero wag ka, mabilis din akong dumiskarte. lolz
Motto: Mas mabuti nang sa kaskasero nakasakay, kaysa naman sa sasakyan ng patay.

7. Sobrang Masiyahin- Minsan gusto ko ng mag-seryoso, pero dahil sa lagi daw akong nkatawa (ala mong ang dating), walang sumiseryoso sa akin. hehehe.. hahaha..! di naman ah.. tsk tsk!
Motto: Ang taong masiyahin, may gustong tirahin.

6. Talentado- Sa sobrang talentado, Maepal na ang dating ko.
Motto: Di bale ng ma-epal, wala namang Ku@%4L.

5. Sakitin- Madalas akong magkasakit! Kahit pa ilang beses ipaalala sa akin na bawal magkasakit, hindi ko magawang pigilan. pakshet! Buti na lang at hindi nakakahawa ang sakit na Kagwapuhan.
Motto: Sakitin man daw at magaling, ang tao ay mamamatay din.

4. Peak ON- Mahilig akong mambuska at isa akong dakilang alaskador subalit kapag aketch na ang nasa hot seat. madaling mag Peak ang aking pasensya at agad ON the go to walk out na.
Motto: Di bale ng mainitin ang ULO, basta wala lang tumutulo dito. :-)

3. TAMAD Sipagin/Masipag Tamarin- I hate tamad na tao, kaya I hate myself sometimes. Minsan, aabutin ko na lamang ang isang bagay ay ipapaabot ko pa. Gagawin ko na lamang ay ipa-mamaya ko pa. Peborit kong line.. "MAmaya Na"..
Motto courtesy of TADO Shirt: Di bale ng tamad, di naman pagod.

2. Napaka-Mapagbigay- Hindi ako maramot. Ito ang madalas naming pag-awayan ni kukuru kuku. Pag may humingi kasi ng pagmamahal, hindi ako maramot magbigay. pis-awt :-)
Motto: Di ko kasalanan maging lapitin, at lalo namang ipanganak ng may kagwapuhang angkin.

1. Imbentor- Lahat ng nailathala ko ay imbento ko lamang. hehehe
Motto: Ang taong magaling magimbento, ay may matigas na toot toot.


Monday, September 6, 2010

BABOY SA.....!!!


NOTA: Sa lahat ng posteng nagawa ko, dito ako may pinaka pinaghugutan ng Inspirasyon.

Halos isang linggo rin akong nawala sa sirkulasyon.
Sa kadahilanang nagkaroon ako ng isang karamdamang nakakahawa.
Isang karamdamang pinandidirihan ng karamihan.
Isang karamdamang nararanasan lamang ng isang taong madumi ang dugo at kung minsay di naliligo ayon sa iba.

Hindi ko inakalang mararanasan ko ang pakiramdam na ganun kung saan ay halos mamilipit ako sa sakit.
Ang aking luha ay di makayang pigilan at kusa itong bumubuhos na tila walang katapusan.
Ang aking mga paa ay hindi makapaglakad ng maayos na masahol pa sa may saklay at umiika ikang paa na kahit papaano ay nakakarating sa lugar na gustong puntahan.
Ang aking pag-upo ay dahan dahan lamang at tila ba mayroon taeng namumuo sa aking puwitan.
Ang pakikipagusap ko sa iba ay hindi halos maunawaan dahil sa pabugsu bugsong sakit na tila hindi kakayanin ng aking mala artistahing katawan.

Nung sabado ay nangyari na nga ang aking pinangangambahan, hindi ko na kinaya pa ang sakit na aking nararamdaman, dali dali akong nagpadala sa ospital para patingnan ang aking lumalalang karamdaman. Tanghali na ng mga oras na iyon, mahaba ang pila at ang aking sikmura ay kumakalam. Mahigit dalawang oras din akong nag-antay bago ako masalang. Sinilip ko ang sugat na syang may dulot ng kirot at sakit na aking dinadala. Malala na sya, may tila mga laway na namumuo sa kanyang paligid. Ninais ko sanang kuhanan iyon ng litrato para iposte rito subalit ang kanyang kinalalagyan ay malapit sa parteng ubod ng selan. Nahiya ako ng kaunti, kaya huwag na lang. Pinahiga ako ng Doktor, sinilip ang aking sugat, nakita nya ang malamayonnaise na itsura nito at saka sya biglang napasimangot. Kumuha sya ng gamit na parang malaking Tyani (gamit pantanggal buhok sa kili kili) at unti unti nyang inihiwalay ang mayonnaise sa aking kalamnan. "Aaaahhhh", Ito lamang ang mga katagang aking nabitawan habang isinasagawa nya ang masusing pagoopera sa aking karamdaman. Makalipas lamang ang ilang minuto ay naging maayos na din ang lahat. Binigyan nya ko ng listahan ng mga karampatang panlunas para daw maagapan ito at hindi na makahawa pa.

Narito ang ilang paalalang makatutulong sa pagtukoy sa aking karamdaman.

Hindi lahat ng may mata ay nakakakita...
Hindi lahat ng namumula ay nahihiya...
Hindi lahat ng may gatas ay masustansya...
At hindi lahat ng pumuputok ay masarap paglaruan...

BABOY SA....PakshEt KA!

Tuesday, August 31, 2010

Bahay Aliwan!


BABALA: Ang akdang inyong mababasa ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ni Midnight Driver. Patnubay ng mahihilig ay kailangan.

Taong dalawang libo at isa ng maganap ang di inaasahang pangyayaring ito.

"Kailangan nilang buhayin ang kanilang mga anak, at tanging alam lamang nilang paraan sa mabilisang pagkita ng salapi ay ang pagbibilad ng katawan sa harap ng maraming kalalakihan. Nakakahiya man sa una subalit nasanay na sila.".

Ito ang mga salitang binitawan sa akin ng aking katabi ng kami ay pumasyal sa lugar na tinatawag nilang Bahay Aliwan para sa mga kalalakihan kasama ang aking mga pinsan at tropa. Tunay nga namang kakaiba ang ligayang madarama ng sinumang lalaki na papasok sa kanilang lungga. Bukod kasi sa sasalubungin ka ng maggagalang na tigapagserbisyo ay bubungad nadin sa iyo ang mga katawang bihira mo lamang makita ng ganun kalimit. Mga HUBAD na katawan na tila nang-aakit.

Nung una ay kinakabahan pa ako, sapagkat natatakot akong baka biglang ma-raid ang bahay aliwan na iyon at siya pang maging mitya ng pagkasira ng buhay ko.
Napansin iyon ng aking katabi sa lamesa, kaya naman bigla na lamang nyang dinikit ang kanyang mga labi malapit sa aking tenga at sinabing,

"First time mo? wag kang matakot, akong bahala sayo".

Nagulat ako at tila may kakaibang init at lamig na dumampi sa aking kalamnan.
May kung anong tila kumalabit sa aking pagkalalaki.
Pinagmasdan ko ang aking mga kasama at mga taong nakapaligid sa amin.
Silang lahat ay abala sa kung ano anong mga bagay bagay. Pakiramdam ko ay sarili naming mundo iyon.
Sariling mundo na kung saan ay maaari naming gawin ang anumang gustuhin namin.
Gawin ang mga bagay na kumakatawan sa aming makamundong pagnanais.

Kaya naman wala na akong sinayang na pagkakataon. Dali dali kong pinaghandaan ang aking first move.

Hahaplusin ko na sana sya ng bigla nalang may kung sinong humawak sa aking braso. Nag-init ang aking ulo (1&2) at pakiramdam ko ay tila mayron lamang nagti-trip sa akin. Dali dali akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking bigotilyo, may kaitiman ang kulay at mejo malalaki ang braso.
Pamilyar sa akin ang mga tindig na iyon.

Langya... Ang AMA ko, nasundan kami.. Kasama ang aking mga tyuhin, matagal na pala nila kaming hinahanap, nagsumbong kasi ang eklavush naming pinsan dahil hindi namin sya isinama. Umalis kasi kami ng bahay na mga lasing na, kaya naman daw nag-alala sila na baka mapasabak pa kami ng gulo kaya mas minabuti nilang kami ay hanapin sa kung saan.

Haaayyy.. sayang.. 10 bits!

OT:
Ako pala ay malugod na nagpapasalamat kay Hotcakes dahil sa papuring aking natanggap galing dito.

Wednesday, August 25, 2010

KURBA


Nangyari na ang nangyari...
Naganap na ang naganap...
Marami ng oras ang inilaan...
Marami ng buhay ang nasayang ng ganun ganun lamang...
Huli na ang lahat para tayo'y magsisihan...
Huli na ang lahat para tayo ay magturuan...
Wala ng magagawa pa para ibalik ang mga buhay na nasayang...
Maliban sa dasal at pakikiramay sa pamilya na mga naiwan...
Walang may gumusto nito...
At lalong walang sinuman ang humiling nito...

Nagawa man nyang yurakan ang imahe ng mga Pilipino...
Ito'y sa kadahilanan lamang ng kanyang paninindigan at prinsipyo...
Ninais lamang nyang maglingkod sa Inang Bayan...
Ngunit sa kabila ng lahat, siya ay winalang bahala at tinalikuran...

Binatikos man sila dahil sa kanilang mga naging hakbang...
Marami mang nagawang pagkakamali at desisyong hindi kapakipakinabang...
Binilad ang katawan sa init at nagluluksang kalangitan...
Inialay ang sarili para sa kaligtasan ng karamihan...
Saludo padin ako sa inyo aming mga magigiting na kapulisan...

Kayo daw ang naging mitya at pinagmulan ng tunay na gulo...
Kayo daw ay umabuso sa kalayaan at sa inyong serbisyo...
Alam kong gusto nyo lamang na ang balita'y ihatid sa mga tao..
At gampanan ng tapat ang inyong sinumpaang serbisyo...

Nakalulungkot isipin na nangyari ang gantong trahedya...
Lalo na at ang inyo lamang nais ay magbakasyon at magpahinga...
Sa ngalan ng bawat Pilipino sa buong mundo na umaasa...
Kami ay humihingi ng pasensya at nangangakong kayo ay mabibigyan ng hustisya...

Lahat tayo ay may naging pagkukulang...
Lahat tayo ay naging biktima sa pagkakataong hindi inaasahan...
Sana lahat tayo ay may aral na natutunan...
Lahat tayo ay magtulungan para malimutan ang bangungot na dulot ng nakaraan...

Unti unti pa lamang nating tinatahak ang matuwid na daan ay muli na naman tayong naligaw at napunta sa daang KURBA.

Monday, August 23, 2010

TADHANA!

Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang gulong ng palad?

Natagpuan mo na ba ang taong sa palagay mo ay siyang makakasama mo habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ibabaw?

Naranasan mo na bang lapitan ka ng sandamakmak na kamalasan at wala kang ibang masisi kundi ang iyong sarili dahil sa isip isip mo lamang ay ipinanganak ka na malas?

O sa madaling sabi, ikaw ba ay naniniwala sa salitang TADHANA?

Ito yung tipong kahit hindi ka maghanap ay makikita mo o mararanasan mo ang mga bagay bagay dahil nakaguhit iyon sa mga pahina ng Libro ng buhay mo. Sabi nga nila, "Kahit pa anong gawin mo at pagbali-baliktarin mo man ang mundo ay hindi mo mababago ang nakatadhana sayo".
Tama nga naman, hindi muna magagawang palitan ang mga nakaukit na.

Ngunit sapat ba na ipagkatiwala natin sa tadhana ang ating kapalaran?

Hindi kaya mas magiging maganda at makulay ang ating buhay at pagkatao kung tayo mismo sa ating mga sarili ang gagawa nito?

Gayunpaman, marami sa atin ang umaabuso sa tinatawag nilang tadhana. Ang ibig ko lamang sabihin ay nagkalat na ang mga taong nakaupo na lamang sa isang sulok at nagaabang ng swerte (pagtama sa lotto, jueteng o maski ending)na darating sa kanila sa halip na magbanat ng buto para magkaroon ng pantustos sa pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi masama ang mangarap, at lalong hindi masama ang magtiwala sa kapalaran subalit dapat ay alam mo ang limitasyon nito at alam mo kung paano abutin ang nakatadhana sa iyo.

NOTA: Nilikha ko ang poste na ito para sa taong nakatadhana sa akin. Yun eh!
At ang tulang ito ay inaalay ko para sa kanya. :-)

TADHANA

Nung una ay nais lamang kitang makita,
Nais na makakwentuhan at makasabay sa mesa,
Subalit ng maglaon panalangin ko ay naiba na,
Maiharap sa altar at sa habang buhay ikaw ay makasama.

Magkaiba man minsan ang ating paninindigan,
Ugali man natin ay hindi magkakapareha kailanman,
Basta ang importante sa ating puso at isipan,
Tayo ay wagas at tunay na nagmamahalan.

Hindi madali ang ating pinag-daanan,
Sari saring pagsubok ang ating nagawang lagpasan,
Sa dami ng kalokohan kong ating pinag-awayan,
Ikaw lamang ang babaing nakapagpatino sa Driver ng Bayan.

Ikaw ang aking tadhana, Ikaw ang aking buhay,
Ikaw ang syang nagbigay ng ngiti sa puso kong nalulumbay.

BOW

Thursday, August 19, 2010

TAONG GRASA

Marungis...
Mabaho...
Di naliligo...

Ilan lamang ito sa mga katagang ipinaparatang sa isang taong grasa. Aminin man natin at sa hindi, mas marami sa atin ang nang-aalipusta at nanlalait sa kanila kumpara sa nagbibigay ng tulong at nahahabag sa kanilang sitwasyon. Ako ay hindi nagmamalinis! dahil ako man din ay isa sa maraming taong minsan ng umalipusta sa kanila. Subalit ngunit datapwat ako ay natuto na sa mga bagay bagay sa mundong aking ginagalawan. Minsan ko ng nasaktan ang kanilang damdamin kaya't sinisiguro kong hindi na ito muling mauulit pa.

Ninais kong isulat ang akdang ito na pangunahing tumatalakay sa hirap at pasakit na dinadala ng mga taong nabubuhay sa lansangan na hindi alintana ang dumi at usok na kanilang nalalanghap. Isinulat ko ito upang kahit papaano ay maging daan at magising ang ilan sa atin sa tunay nilang pinagdadaanan. Oo nga at may ilan sa kanila na gumagawa ng mga bagay bagay na hindi kanais nais sa paningin ng sinuman subalit hindi naman natin sila masisisi sa pagkakataong iyon? Sila ay walang bahay na masisilungan tuwing umuulan at umaaraw, Walang maayos na pagkain kada kumakalam ang kanilang sikmura at higit sa lahat walang Pamilya na gumagabay at pumoprotekta sa kanila sa oras ng pangangailangan.

Bilang Driver, malimit akong makakita ng mga katulad nila. Ako ay lubos na nahahabag. Gusto ko silang tulungan subalit hindi ko alam kung papaano at saan ako mag-uumpisa. Hindi sapat ang bigyan lamang sila ng limang piso. At lalo namang hindi makatutulong ang duraan at sila'y saktan.

Kung may sapat lamang akong kakayahan at pantulong pinansyal, hindi na ako magdadalawang isip pa. Ngunit ganun pa man..alam ko sa sarili ko na kahit sa munting paraan, sa pamamagitan ng akdang ito, alam ko, sana....nakatulong na ako!

Sa aking mga mambabasa:

Tara! Samahan nyo ko, tulungan natin ang mga TAONG GRASA!

Ako ay may maiksing handog para sa lahat!

SANA

Sana sa pagkakataong ito ay makatulong tayo,
Mga taong nasa lansangan ay mailayo sa gulo,
Mabigyan ng pamatid gutom at kapirasong sisilungan,
Mailayo sa kalsadang panganib ang nagaabang.

Sana naman kahit minsan, sila'y ating parangalan,
Bigyan ng kapirasong baon at barya silay hagisan,
Pagkalooban ng kaunting ngiti at tiwasay na pakiramdam,
Huwag pag-initan, bagkus sila ay gabayan.

Sana sa munti kong obra, kayo ay naliwanagan,
Na ang mga taong grasa ay di dapat pagtawanan,
Hindi dapat duraan at lalong di dapat saktan,
Silay dapat na tulangang mailayo sa lansangan.

BOW

Monday, August 16, 2010

KwEnTonG KabAbaLaghaN

Paalala: Sana ay gayahin nyo ang boses ni Gas Abelgas habang binabasa nyo ito :-)

Minsan nang sumagi sa aking isipan ang magsulat ng mga akda na tumutukoy at sumisimbolo sa mga nilalang sa kabilang dimensyon gaya na lamang ng mga maligno, duwende, kapre, or white lady at mga multo.

Alam kong marami na sa inyo ang nakaranas ng iba't ibang kababalaghan na hindi kayang ipaliwanag ninuman na ultimo siyensya ay hindi makapagbigay ng sapat at konkretong eksplanasyon para dito. Ngunit maaaring marami din sa inyo ang hindi naniniwala sa mga gantong bagay at ikinukonsidera lamang silang kathang isip o imahinasyon ng sinumang nakakaranas, nakakakita at napapagparamdaman ng mga ito, hindi ko kayo masisisi sa puntong iyon dahil alam kong natatakot lamang kayong tanggapin na bukod sa atin ay may mga iba pang nilalang tayong nakaksulubong ngunit hindi basta basta nakikita ng ating pangkaraniwang mata.

May gusto akong ibahagi sa inyo na naging karanasan ko nung ako ay trese anyos pa lamang. Kapit kapatid, hindi ito nakakatakot kaya wag kang OA sa pagkapit! joke lang yun. hehe

Eto nah, Umpisa na!

Isang "madaling" araw, ako ay inutusan ng aking Ina para bumili ng Mantika sa may tindahan ni Aling Ema, bandang alas tres y media iyon, madilim ang paligid at tanging mga kuliglig at palaka lamang ang nagbibigay ng ingay sa daanan, tandang tanda ko pa ang mga pangyayari ng mga oras na iyon. May walong bahay na namamagitan sa amin at sa bahay ni Aling Ema, pero dahil sa mapuno at malalaki ang bakuran ng mga kabahayan sa aming probinsya, medyo malayo layo na din ang walong bahay na pagitan. Nang ako ay makabili na ng mantika at inumpisahan ang paglalakad pabalik sa amin, kitang kita ng dalawang mata ko ang isang tao na naglalakad papunta sa aking dinadaanan, siya ay nasa tapat ng aming bahay ng mga puntong iyon habang ako naman ay nasa tapat na ng kapitbahay ni aling Ema, wala ni kahit na kaunting takot akong nararamdaman sa mga oras na iyon, pinagpatuloy ko lamang ang aking paglalakad hanggang sa namalayan ko na nasa tapat na pala ako ng bahay nila Lola Pet!!! Napahinto ako, nanlamig ang aking katawan na may kung anong kakaibang kabog ang aking naramdaman, at sa hindi kalayuan ay kitang kita ko ang babaeng nakaputi na papalapit sa aking kinalalagyan, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan iyon ng kanyang makakapal na buhok, mabilis ang kanyang pagdating. Kung ano ano na ang gumulo sa aking isipan, napagtanto ko na ang malaking bahay nga pala nila Lola Pet ay wala ng sinumang nakatira pa, dahil si Lola Pet ay matagal ng sumakabilang buhay habang ang kanyang pamilya naman ay lumipat na ng bahay na matitirhan. Kung ganun ang bahay sa aking harapan ay isa ng Haunted House. Ako ay kinilabutan, napapikit na lamang ako sa sobrang kabang nararamdaman at hindi na nakaalis sa aking kinatatayuan, napasigaw ako ng malakas ng biglang may humawak sa akin... "WAAAAAAAHHHHHHHHHHH"... Ang bababaing nakaputi, tama.. sya ang may hawak sa akin ng mga oras na iyon. nangingilid na ang aking luha... di ko na ata ito kaya, lalo na't nang magsalita na sya.

Hoy, OK ka lang? sabi nya.. parang takot na takot ka ha.

Nang aking idilat ang aking mga mata, nakita ko ang babaing nakaputi sa aking harapan. Si Millie pala iyon, isang Nurse sa aming lugar, madaling araw pala ang kanyang duty sa ospital.
Langya.. tinakot ko lang ang aking sarili.

NOTA: Inutusan akong bumili ng mantika para ipampirito ng paborito kong manok na aking babaunin para sa aming Field Trip nung araw na iyon. :-)

Friday, August 13, 2010

Health Conscious!

Di ko na dapat ipopost ang isang to.. pero dahil sa may umiyak, akin na syang napilitang ipamahagi.

PAALALA: Mas masarap itong basahin sa oras ng pagkain. :-)

ODK (Oh Diyos Ko, para maiba naman.. puro na lang OMG nakikita ko)...wala akong magawa sa mga puntong ito kundi mag-isip ng kung ano anong bagay kung paano ang madaliang pagpapapayat (need ko na talaga..promise, malapit na kong maging shrek). Kedaming pumapasok sa kautakan ko na mabisang pamamaraan subalit datapwa't di ko pa inuumpisahan ang mga bagay bagay na naiisip ko ay tinatamad na ko ng bonggang bongga. Yung kaliwang utak ko kasi ay pilit na kinakalaban ang kanang kautakan ko. Ang hirap ng ganto Boooyyy...

P00otttchhhaaa, eto pa isa! pasabay sabay pa ang rumaragasa kong sipon.. paano ko ba naman maiiwasan ang kumain kung ganito ng ganito db? Natural.. pag may sipon for sure may mga namumuong Plema.. meaning may free food na naman ako.. TaaaMaaaaa (high pitch ang dulo, ala Kris Aquino)..RapSa to the nth level na naman toh.. weehhh

Nga pala, bigla kong naalaala yung comparison na ginawa ko nung high school pa lamang ako tungkol sa Gulay.. Prutas.. at PLEMA!

Lahat sila karaniwan BERDE..
Pero minsan may dilaw din..
Masarap kainin..
Masustansya ang lasa lalo na kapag sariwa..
Sa unang tikim may hagod sa lalamunan..

At bakit ko kamo naisingit ang comparison nato?

dyaaraaaannn.....

Dahil lahat sila ay mga mabisang panggamot sa SIPON...

TAaaaMMMMAAAAAA..

Here's why.. yown INGLEEAASSSTTT

Gulay: Bukod sa mayaman sa bitamina at mineral, ang gulay ay isa sa pangunahing pangangailangan ng ating katawan para makaiwas sa mga karamdaman. Nice.. ang gnda ng paliwanag ko dito!

Prutas: Mayaman sa bitamina C, pangunahing sangkap sa gamot sa Sipon. check.. :-)

PLEMA: Alam kong alam ninyo ang salitang "Antidote". no further explanation needed.. TARAAAYYY!..

Wednesday, August 11, 2010

ALAALA ni DaYuNioR


Tara.. Paglaruan natin yung Bird ko sa bahay! Dialogue ko 'to nung bata pa ako, kapag mangungumbinsi ako ng makakalaro lalong lalo na kapag aayain ko ang aking crush na si ___ (pwede ko ba syang itago sa pangalang janna?). Ang aking ibon ay pinangalanan kong DayuNior, lalaki kasi sya sabi ng aking Ama. Regalo nya sa akin iyon nung kaarawan ko, alam nya kasing mahilig ako sa ibon nung kabataan ko pa (although di pa naman ako katandaan sa ngayun), tuwang tuwa kasi ako kada makikita kong kumakain at lumalaki ang isang ibon. May kailapan si Dayunior, kaya naman kapag pinagmamasdan ko siya na nagpapahawak kay janna ay nageenjoy ako ng sobra, siguro sya man ay hindi maitanggi ang kagandahan ni Janna, para bang napakalapit nila sa isa't isa. Nakikita ko din ang saya sa mga mukha ni Dayunior kapag magkasama na sila at naglalaro, di tuloy maalis sa isip ko na maaaring si Janna ang dahilan kung bat patuloy sa paglaki si Dayunior, yun nga lang kahit anong close nila ay talagang di maiwasang maging sensitibo ni DayuNior at bigla na lamang syang nagagalit. Kung sa bagay di ko naman sya masisisi sa puntong iyon, kaw ba naman ang pisil pisilin at hawakan ng madiin db? manhid ka nalang pag di ka nagalit.

Kakaiba ang naging bonding namin ni DayunioR, sabay kaming naliligo, sabay kaming kumakain, sabay na natutulog at maski pamamasyal at pagpunta sa eskwela ay kasa kasama ko sya. Di man sya nakakapagsalita, pero nagagawa nyang ipahiwatig sa akin ang kanyang gustong gawin or sabihin, halimbawa na lamang ay kapag nakikita kong naglalaway sya na ang ibig sabihin ay nagugutom na sya or nauuhaw, oh kaya naman ay kapag nananamlay sya na ang gusto lamang pala nya ay makipaglaro. Sa mga simpleng kilos at galaw ni Dayunior ay madali nyang naipapahiwatig ang kanyang saloobin.

Ngunit dumating ang isang pangyayaring yumanig at bumago ng aking pagkatao. Noong December 31, 1993, isang araw bago lumipat ang taon. Masaya kaming naglalaro ng lusis, watusi at nagpapaputok ng pantutsi kasama ang aking mga kaibigan. Sa di inaasahang pangyayari, aksidenteng napunta ang watusi ni Janna sa tabi ni Dayunior, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nya tukain ang watusi sa kanyang tabi, natuwa ako nung una dahil nakita ko kung gaano talaga sila kalapit ni janna, sa isip isip ko lamang noon, "POGI POints din ito, sige lang Dayunior.. Sige lang" bwahahahaha. Masayang masaya padin kami at ipinagpatuloy ang aming ginagawa subalit makalipas lamang ang ilang minuto, si Dayunior ay biglang nanigas, naglaway, tumirik ang mata, akala ko ay gutom lamang sya kaya dali dali akong kumuha ng mumu at tubig, ngunit iba na.. hindi na nya kinakain ang inaabot kong mumu, hindi na nya mainom ang tubig, tikom na ang kanyang mga labi, napikit na ang kanyang mga mata, tuluyan na syang di gumalaw, at tuluyan na syang hindi huminga. Lingid sa aking kaalaman nung mga panahong iyon na ang watusi pala ay nakakalason. Sa mga oras na iyon, di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto kong sisihin ang aking sarili subalit huli na, kung kaya ko lamang sanang ibalik ang nakaraan, kung kaya ko lamang sanang pigilan ang nakatakda, sana magpasa-hanggang ngayun, si Dayunior ay nabubuhay pa.. sana.. sana...

Eto ang gusto kong maging istorya kapag gumawa ako ng isang pelikula, mababaw pero may kurot sa puso. Yown yun Eh!!.. hehe

BIRD

Ako ay may alaga, ibong mataba,
Kami ay magkasama sa hirap at ginhawa,
Ang gusto nya sa buhay ay lalaruin sya,
Ang hilig ko naman ay pinapagalit sya.

Akala ko nung una ay wala ng wakas,
Ang aming pagsasama na bukal at wagas,
Kulungan pa man din nya ay yung tipong dibaklas,
At kapag pinapawalan sya, dali daling nagpupumiglas.

Ngunit dumating ang araw na kinakatakutan,
Si DayunioR na aking ibon ay kailangan ng kalimutan,
Tapos na ang mga araw ng masayang pinagsamahan,
Tapos na ang kalokohan naming magkaibigan.

BOW

Tuesday, August 10, 2010

RuRoK ng KaLigAyAHaN

Naranasan nyo na bang maramdaman ang tinatawag nilang Rurok ng kaligayahan? Na kung saan ay makukuhang lumuwa ng iyong mga mata kasabay ang pag-agos ng mga butil butil na pawis habang tumutulo ang mga nakaimbak na laway sayong mga labi na ultimo pagsasalita mo ay naaatat sa sarap na iyong nadarama.
Rurok ng kaligayahan na karaniwang kinakahumalingan ng sinumang makaranas nito.
Rurok ng kaligayahan na pinapantasya ng lahat ng mga nilalang sa mundo.

BWAHAHAHAHAHA (Romy Diaz mode)....

wala lang!

Gusto ko lang itanong. Di naman siguro masama yun dba? Lahat naman tayo ay gustong maging maligaya, masaya at kapaki pakinabang. Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, susundin ko.. nyaaakk.. iba na pala toh, kaya pala parang kabisado ko na ang sinusulat ko. lolz

Oh sya, saka na ko gagawa ng mahabang wento hane.. ayaw gumana ng 1kbps kong memory. hehe.. Eto pala ang epekto ng palagiang Row 4 nung nag-aaral pa.

Eto muna ang munti kong handog. Enjoy!

SARAP

Naranasan mo na ba ang maging maligaya?
Na kung saan ay iisipin mong ito ay rurok na,
Subalit kapag hinimay mo ay kulang na kulang pa,
Sa saya na madarama kapag talagang natikman mo na.

Pagtibok ng puso mo ay bibilis,
At di mo na mapipigil ang pagtitiis,
Pag iyong naumpisahan, for sure na mamimiss,
Pag iyong nasubukan for sure walang mintis.

Kakaiba ang sarap pag iyo ng natikman,
Ang tinatawag nilang rurok ng kaligayahan,
Pakiramdam mo ay parang tuyong dahon na lumulutang lutang,
Parang ulap na malaya sa paggalaw sa kalangitan.

Aw.. Rurok ng kaligayahan..
Um...Akin ka ng titikman..
Wow..Isang kutyara lang..
Ng... Ice Cream na Flavor Pandan.

BOW

Sunday, August 8, 2010

Pagpatak ng Ulan

Kasalukuyang umuulan habang ginagawa ko ang walang wentang post na ito, kaydaming pumapasok sa aking isipan, di ko naman alam kung paano ko sasabihin or ipapaliwanag, halo halo kasi. May takot, saya at naaalala ko rin ang pagmamahal. yown yun eh.. sabay emo! Pero seryoso, medyo mahirap ipaliwanag ang gusto kong sabihin, pero try ko subukan okie?

"Takot" dahil bukod sa madulas ang daan na nagiging pangunahing sanhi ng aksidente sa lansangan, may naging karanasan din tayo na hindi malilimutan ng minsan ng gumanti sa atin ang Inang kalikasan, dulot ng kapabayaan at pagiging abusado ng mga tao, masyado tayong naging iresponsable para sa yaman na ipinahiram lamang sa atin ng maykapal, kaya naman sa pamamagitan ng ulan at malalakas na hangin ay binigyan nya tayo ng isang malaking leksyon ng buhay.

"Kasiyahan" sapagkat marami ang nabibiyayaan ng ulan, unang una dito ay kaming mga driver, mas madaling maglinis ng sasakyan kapag umuulan, tipid sa tubig.lolz, at nadyan din ang mga magsasaka na ang ulan ang tanging inaasahan para mabuhay ang kanilang mga pananim, dahil sa kakulangan ng irigasyon at sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga bukirin. Nadiyan din ang mga puno, hayop at halaman na namumuhay mag-isa sa kagubatan, mga tao sa kamaynilaan na ang tubig ang pangunahing pangangailangan.

"Pagmamahal" na siyang inspirasyon ng bawat isa, ang pagdampi sa ating katawan ng patak ng ulan ang siyang nagsisimbulo ng tunay na diwa ng pag-ibig na ultimo luha na nagpapahiwatig ng pangamba at kasiyahan sa mga nagmamahalan.

ULAN

Patak mo sa lansangan ay kaysarap pakinggan,
Tikatik mong pagtulo'y kaysarap ulinigan
Tunay kang biyaya mula sa kalangitan,
Ang himig mo, ang tunog mo sa puso ko'y nagpapagaan.

Kahit anong bigat pa ng aking dinadala,
Kapag bumuhos ka na, nababago ang timpla,
Ang daming pumapasok na magandang alaala,
Tungkol sa karanasan, kasama ang sinisinta.

Dampi ng hangin na pumupukaw sa aking pagkalumbay,
Ingay ng patak mo sa bubong na sa dugo ko'y bumubuhay,
Pagtitig sa itaas na ultimo luha ng pagmamahal,
Na inaalay sa atin ng Diyos Amang maykapal.

Oh Ulan, ikaw ang tugon sa dasal ng magsasaka
Dahil ang kanilang pananim ay tuyung tuyu na,
Kung di dahil sayo ay baka wala na,
Ikabubuhay at kakainin ng kanilang Pamilya.

Wag mo lamang ilakas masyado ang buhos,
Dahil takot na ang bayan sa isang malaking unos,
Ayaw ng maulit mga baha na tumapos,
Sa mga ikinabubuhay ng mga taong kapos.

BOW